"Ang taong 'di magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Sa mga katagang itong sinambit ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal, ating naimulat ang ating mga mata sa kahalagahan ng ating wikang pambansa, ang wikang Filipino. Ano nga ba ang kahalagahan ng wika? Paano ba natin mapagyayaman ang ating wika?
Ang wika ay isang medyang ginagamit ng mga tao upang makipagtalastasan sa iba. Ngayong buwan ng Agosto, inilunsad ng departamento ng Filipino ang taunang buwan ng Wika ngayong taon na may temang "Wika ng Pagkakaisa." Sa loob ng buwan na ito, magaganap ang iba't ibang paligsahang lumilinang sa kasayanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino. Ngunit hindi lamang ang pagpapagalingan sa pagsasalita sa wikang Filipino ang layunin ng buwan na ito, ngunit pati na rin ang pagpapahala rito. Bakit nga ba natin kailangan pahalagahan ang ating wika kung mayroon namang ibang wikang maaaring gamitin? Ang wika ay is rin sa mga pagkakakilanlan ng isang bansa. Upang matawag na isang ganap na bansa, dapat mayroon kang gamit na wika. At higit sa lahat, ang paggamit ng sariling wika ang isa sa mga pinaka dakilang gawain para sa bansa. Kung walang wika, paano tayo magkakaintindihan? Paano tayo makakapag-usap? At kung mayroon man, paano tayo magkakaintindihan kung magkakaiba tayo ng gamit na wika? Gaya nalang kapag may nagtanong sa iyo sa salitang Filipino, sasagutin mo ba siya sa wikang Ilocano? Syempre hindi.
Ang wikang Filipino ay isang wikang puno ng makukulay na karansan. Kaya nararapat lamang na ating ibigay ang respetong naaayon dito. Atin itong gamitin ng maayos at matatas sapagkat ito'y sumisimbolo sa pagkamakabansa natin. At ating tandaan, ang ating wika ay WIKA NG PAGKAKAISA.
No comments:
Post a Comment